Arestado ang isang wanted person sa matagumpay na operasyon ng Pangasinan Second Provincial Mobile Force Company, katuwang ang San Manuel Municipal Police Station ng Tarlac, sa gManaoag, Pangasinan, bandang alas-diyes ng umaga noong Oktubre 12, taong kasalukuyan.
Ayon sa ulat, isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest laban sa isang lalaking nasa hustong gulang na nahaharap sa kasong ilegal possession of firearms and ammunition na may piyansang ₱60,000, alinsunod sa Presidential Decree 1866, na inamyendahan ng Republic Act 8294.
Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa San Manuel Police Station sa Tarlac, kung saan siya kasalukuyang nasa kustodiya para sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso.
Ayon sa kapulisan, patuloy ang kanilang pinaigting na operasyon at koordinasyon upang matunton ang mga wanted person at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











