MOBILE CIVIL REGISTRATION CARAVAN, ISINAGAWA SA SAN CARLOS CITY

Isinasagawa ngayong araw, Oktubre 13, ang Mobile Civil Registration System o CRS Caravan sa Arenas-Resuello Sports Complex sa San Carlos City, Pangasinan.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Local Government Unit o LGU ng San Carlos City, sa pamamagitan ng Office of the City Civil Registrar, katuwang ang Philippine Statistics Authority o PSA – Regional Statistical Services Office 1, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-tatlumpu’t pitong National Statistics Month.

Layunin ng caravan na mailapit sa mga mamamayan ang mahahalagang serbisyo sa civil registration at pagkakakilanlan.

Kabilang sa mga serbisyong iniaalok ang pagkuha ng PSA birth, marriage, at death certificates, PhilSys National ID registration, at pag-iisyu ng electronic Philippine Identification o ePhilID.

Nakatakdang ganapin ang Mobile CRS Caravan mula Oktubre 13 hanggang 15, taong 2026, kaya hinihikayat ang lahat ng mga San Carlenian na samantalahin ang pagkakataong ito upang makakuha ng mga kinakailangang dokumento at makapagparehistro para sa mga kaugnay na serbisyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments