ANIM NA DAAN SA ALAMINOS CITY, HINDI MADAANAN NG ILANG SASAKYAN NOONG AUGUST 30

Patuloy na passable ang karamihan ng barangay roads at bridges sa Alaminos City, ayon sa road and bridge monitoring update alas-4 ng hapon noong Agosto 30.

Gayunman, anim na lugar ang hindi madaanan kahapon dahil sa kondisyon ng kalsada at tulay.

Kabilang dito ang Spillway sa Barangay Linmansangan at De Leon Road, na parehong hindi passable sa lahat ng uri ng sasakyan.

Hindi naman madaanan ng light vehicles ang Sitio Putrido sa Barangay Balayang, Sitio Balinmanok sa Barangay San Jose, at Sitio Ballasit sa Barangay Sabangan.

Samantala, hindi pa rin passable ang California Street sa Braganza Village.

Ayon sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC), patuloy na minomonitor ang kondisyon ng mga kalsada at tulay sa mga barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments