Passable parin sa lahat ng uri ng sasakyan ang ilang pangunahing ruta sa paligid ng San Carlos City, batay sa road update ng mga awtoridad alas-1 ng hapon ngayong Agosto 31, 2026.
Walang naiulat na pagbaha sa San Carlos–Urbiztondo Road, San Carlos–Calasiao Road, San Carlos–Basista Road, San Carlos–Ano Road, at San Carlos–Binmaley Road.
Lahat ng mga rutang ito ay bukas at maaaring daanan ng iba’t ibang uri ng sasakyan.
Samantala, hindi pa rin passable ang San Carlos–Aponit–Bocboc Road dahil sa tubig na umaabot mula baywang hanggang dibdib, kaya hindi ito maaaring daanan ng anumang uri ng sasakyan.
Pinapayuhan ang mga motorista na gamitin ang mga rutang nananatiling bukas at mag-ingat sa pagbiyahe, lalo na sa mga lugar na maaaring makaranas ng biglaang pagtaas ng tubig. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











