Panukalang pagsasabatas ng AICS, aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Nakalusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill 11395 o panukalang maisabatas ang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ayon sa sponsor ng panukala na si House Committee on Appropriations acting Chairperson at Marikina Representative Stella Quimbo, layunin nito na matiyak ang pagpapatuloy ng programa kahit magpalit-palit ang administrasyon.

Giit ni Quimbo ang AICS ay lifeline at hindi pampulitika kaya nakapaloob sa panukala na bawal itong pakialaman ng mga politiko o kanilang mga kamag-anak.


Para hindi magamit sa pag-abuso ay inaatasan ng panukala ang DSWD na magkaroon ng “full transparency” sa AICS sa pamamagitan ng paglalathala ng taunang reports na nagsasaad ng mga benepisaryo, lugar na pinamahagian ng ayuda at magkano.

Umaabot sa 40.9 billion pesos ang pondong nagamit para sa AICS noong 2023 habang nasa 6.5 milyong Pilipino ang nakinabang dito.

Facebook Comments