Antas ng tubig sa Angat Dam, tumaas dahil sa pag-ulan nitong mga nakalipas na araw

53

1Nakatulong ang pag-ulan nitong mga nakalipas na araw upang umangat ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Sevillo David Jr., Executive Director ng National Water Resources Board na sa ngayon ay nasa 190 meters above sea level na ang lebel ng tubig dito.

Umaasa si David na tataas pa ang antas ng tubig sa dam hanggang sa maabot ang normal level na 212 meters above sea level.


Mahalaga aniyang tumaas ang tubig sa Angat Dam dahil ito ang nag susuplay sa 97% ng tubig sa Metro Manila.

Kasunod nito, tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang tubig sa dam pero pinapayuhan parin nito ang publiko na magtipid sa pagkunsumo ng tubig lalo na’t nanatili parin ang banta ng COVID-19 kung saan mahalaga ang hand at physical hygiene.

Facebook Comments