Batay sa pulisya, ininspeksyon ang mga vendor na nagbebenta ng mga produktong hindi sumusunod sa mga itinakdang legal at regulatory requirements.
Pinangunahan ito ng joint operating team mula sa isang pribadong kumpanya, awtorisadong service provider ng Philippine Tobacco Institute Inc. (PTI), katuwang ang Infanta Municipal Police Station (MPS).
Isinagawa ang targeted inspection at public awareness drive sa Barangay Nayom, Poblacion, Cato, Batang, at Bayambang.
Partikular na sinuri ng operating team ang mga sigarilyong walang kinakailangang BIR tax stamps, Graphic Health Warnings (GHWs), at DTI requirements, pati iba pang indikasyon ng noncompliance sa umiiral na mga batas at regulasyon.
Bukod sa inspeksyon, naglabas din ng pormal na babala ang joint team at nagsagawa ng information dissemination ukol sa posibleng legal na pananagutan sa ilalim ng Republic Act No. 12022, o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, gayundin ng iba pang naaangkop na tax laws at regulations.
Wala namang naitalang paglabag sa naturang inspeksyon, ayon sa pulisya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







