
Iginiit ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na dapat magpatupad din ng umento sa sahod sa ibang mga rehiyon sa buong bansa at hindi lang sa National Capital Region (NCR).
Katwiran ni Cendaña, lahat naman ng mga manggagawa sa buong bansa ay nagdurusa sa mataas na presyo ng bilihin.
Ito ay pahayag ng nasabing representante matapos maipatupad ang ₱85 pesos na dagdag sa arawang sahod ng pangkaraniwang manggagawa sa NCR.
Bukod pa rito, binigyang-diin din ni Cendaña na nararapat pa ring maisabatas ang panukalang pagtaas sa daily minimum wage sa kadahilanang kulang pa rin ang ikinasang halaga ng wage hike para sa maliit na kita ng ating mga manggagawa.
Facebook Comments










