APAT NA MIYEMBRO NG COMMUNIST TERRORIST GROUP SA ILOCOS REGION, SUMUKO SA PNP

Kinumpirma ni PBGEN Emmanuel Peralta, Regional Director ng Police Regional Office 1 na apat na miyembro ng Communist Terrorist Group ang sumuko sa Provincial Intelligence Unit, Ilocos Norte Police Provincial Office, Laoag City.

Kusang nagbalik loob ang mga ito at isinuko ang m14 rifle at isang shotgun o mas kilala bilang banggor.

Base sa report, dalawa sa mga sumuko na kinilala bilang Ka Ligaya at Ka Teresa ay nirecruit at tinuruang humawak ng baril at ang dalawa naman na kinilalang si Ka Elvie at Ka Marinel ay naging miyembro ng Militia ng Bayan at naging paramedics.

Mula January 2021 hanggang sa kasalukuyan nasa 22 miyembro na ng CTGs sa Ilocos region at 21 supporters naman ang mga sumuko kung saan karamihan sa mga ito ay nabigyan na ng reintegration package sa ilalim ng E-CLIP. | ifmnews

Facebook Comments