
Lima ang nasawi matapos na masunog ang isang paupahan sa Caloocan City kaninang madaling araw.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), kasama ang isang sanggol sa mga napaulat na binawian ng buhay dahil sa sunog sa Barangay 8, Caloocan City.
Na-trap ang mga biktima sa loob ng inuupahang bahay na nagresulta sa kanilang pagkasawi.
Umabot sa unang alarma ang sunog pasado alas-dose ng hatinggabi bago ideklarang under control makalipas ang isang oras.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.
Facebook Comments










