Kabilang sa mga nanguna si Jayson John Zacate Maminta ng Lyceum Northwestern University–Dagupan City na nakamit ang ikalimang puwesto na may 91.40% rating.
Hindi rin nagpahuli ang tatlong examinee mula sa University of Pangasinan.
Nakuha ni Bev Lyn Bautista ang ika-siyam na puwesto matapos magtala ng 90.60% rating, habang kapwa nasa ika-sampung puwesto sina Kim Andrei Nicomedez at Ivan Carlo Oller, na parehong nakakuha ng 90.40%.
Ang kanilang pagkilala sa pambansang pagsusulit ay nagsisilbing bunga ng kanilang paghahanda sa licensure examination, kasama ang suporta at paggabay ng kanilang mga magulang at ng mga institusyong kanilang pinanggalingan.
Higit sa mga numerong nakatala sa kanilang ratings, bitbit ng apat na Pangasinense ang isang tagumpay na maaaring maging inspirasyon sa mga kabataang nangangarap ding tahakin ang larangan ng nursing.
Sa kanilang pag-abot sa Top 10, ipinakita nilang ang pangarap na maging nurse ay maaaring humantong sa isang tagumpay na hindi lamang ipinagdiriwang ng kanilang mga pamilya at paaralan, kundi maging ng kanilang kapwa Pangasinense. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







