Sa ilalim ng direktiba, suspendido parin ang pisikal na klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.
Inaasahang tataas pa ang tubig-baha sa ilang lugar bunsod ng patuloy na pag-agos ng tubig mula sa mga upstream areas.
Matatandaang nagsimula ang suspensyon ng face-to-face classes noong Lunes, Agosto 3, at sunod-sunod na pinalawig sa mga nakalipas na araw.
Sa kabila ng paghupa ng dating Tropical Depression “Maymay,” nagpasya umano ang lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang suspensyon para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan.
Sa ilalim nito, maaari paring gumamit ang mga paaralan ng alternatibong learning modalities gaya ng online at modular learning habang umiiral ang suspensyon ng face-to-face classes.
Patuloy namang minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon ng baha at lebel ng tubig sa Sinucalan River.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










