Isang residential area sa Brgy. Baug, Urbiztondo, Pangasinan ang nabulabog matapos pagbabarilin sa loob mismo ng isang bahay ang isang 49-anyos na lalaki bandang alas-3:35 ng hapon noong Mayo 5, 2026.
Ayon sa Urbiztondo Municipal Police Station (MPS), nagsimula umano ang insidente nang pumasok ang limang hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa bahay ng biktima at agad itong pinagbabaril habang nagpapahinga.
Nakatakas ang mga suspek sa hindi pa tukoy na direksyon kung saan nadiskubre na lamang ang biktima na nakahandusay at maraming tama ng bala sa katawan.
Agad na isinugod ang biktima sa ospital upang mabigyan ng agarang lunas.
Patuloy naman umano ang follow-up investigation ng Urbiztondo MPS para sa pagkakakilanlan ng mga suspek at sa pagtukoy sa motibo ng pamamaril.








