
Nagbabala sa Overseas Filipino Workers o OFWs ang Philippine Consulate General sa Hong Kong, lalo na sa mga Migrant Domestic Workers (MDW), laban sa mga alok na surrogacy jobs sa Georgia at ibang bansa.
Batay sa ulat na natanggap ng Konsulado, may sindikato na nagsasamantala sa mga terminated na domestic workers sa Hong Kong para magtrabaho bilang mga surrogate mothers sa Georgia.
Ayon sa Konsulada, may ilang migrant domestic workers ang nakukumbinsing magpanggap bilang isang returning worker sa Hong Kong at pagkatapos, sila ay dadalhin patungo ng United Arab Emirates at Qatar hanggang makarating sa Georgia.
Sinabi ng Konsulada na ilan sa kanila pagdating ng Georgia ay nagiging biktima ng panggagahasa at sapilitang pinapalaglag ang kanilang pinagbubuntis.