Wednesday, May 20, 2026

OFWS SA PANGASINAN, NAKINABANG SA SERBISYO NG DMW SA PEOPLES CARAVAN SA URDANETA CITY

Nakibahagi ang Department of Migrant Workers Regional Office I sa People’s Caravan na may temang “Serbisyong Dala ay Pag-asa” na ginanap sa Urdaneta City, Pangasinan.

Idinaos ang aktibidad noong Mayo 19 sa isang Sports Complex sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at ng lokal na pamahalaan upang mailapit ang mga serbisyo sa publiko.

Nagbigay ang DMW ng iba’t ibang serbisyo gaya ng job fair para sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs kabilang ang tulong sa Overseas Employment Certificate, reintegration services, pamamahagi ng impormasyon, at iba pang assistance para sa mga manggagawa at kanilang pamilya.

Layunin ng People’s Caravan na mapalapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan at patuloy na masuportahan ang kapakanan ng mga OFW sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng iba’t ibang ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments