Tuesday, May 5, 2026

PANIBAGONG SUNOG NA SUMIKLAB SA ALAMINOS CITY SANITARY LANDFILL, PATULOY NA BINABANTAYAN

Naitala ang panibagong pagsiklab ng sunog sa hindi naapektuhang bahagi ng Alaminos City Engineered Sanitary Landfill, na pinaniniwalaang dulot ng matinding init ng panahon.

Ayon sa mga awtoridad, maaaring lumalakas ang apoy dahil sa kombinasyon ng init, hangin, at methane gas na nagmumula sa nabubulok na basura.

Dahil dito, patuloy na nakararanas ng makapal na usok sa mga kalapit na lugar.

Nagbabala ang mga opisyal na ang usok ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan, lalo na sa mga bata, senior citizens, buntis, at mga may sakit sa paghinga tulad ng hika.

Ilan sa mga posibleng maranasan ay ubo, hirap sa paghinga, iritasyon sa mata, at pananakit ng ulo.

Nakaantabay naman ang City Health Office upang magbigay ng kinakailangang serbisyong medikal sa mga maaapektuhan.

habang inihanda rin ang evacuation area para sa mga residenteng malapit sa lugar.

Pinayuhan ang mga nais lumikas na makipag-ugnayan sa emergency hotline na 911.

Samantala, patuloy ang ginagawang hakbang ng Lokal na Pamahalaan ng Alaminos City katuwang ang iba’t ibang ahensya, partikular ang Bureau of Fire Protection, upang tuluyang maapula ang sunog at makontrol ang sitwasyon.

Tiniyak ng lokal na pamahalaan na nananatiling nakaalerto ang mga kinauukulan upang mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng publiko.

Hinihikayat din ang lahat na manatiling kalmado, sumunod sa mga paalala, at maghintay ng mga opisyal na anunsyo mula sa mga awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments