Wednesday, June 24, 2026

ENTRY INSPECTION SA BONUAN BUQUIG NATIONAL HIGH SCHOOL, PINAIIGTING PARA SAKALIGTASAN NG MGA ESTUDYANTE

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng school safety, nagsagawa ang Bonuan Buquig National High School ng routine entry inspection para sa mga mag-aaral, personnel, at mga bisita ng paaralan.

Hakbang umano ito sa pagtitiyak ng kaligtasan at kapakanan ng bawat isa at mapanatili ang isang ligtas, maayos, at angkop na kapaligiran para sa pagkatuto.

Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa Department of Education Order No. 6, s. 2026 o ang Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment (ESMLE), bilang palakasin ang sama-samang responsibilidad sa pagprotekta sa mga mag-aaral laban sa anumang banta sa kanilang kaligtasan.

Patuloy na hinihikayat ng pamunuan ng paaralan ang kooperasyon ng mga mag-aaral, magulang, at bisita upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa loob ng paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments