Nagpaabot ng mensahe si Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas para sa Simbahang Katolika sa Kabila ng pagpanaw ni Pope Francis, kahapon.
Aniya, ang Santo Papa ay nag-iwan ng mensaheng tumatak ukol sa pagmamahal, pagkakaisa, paghihilom, maging sa pangangalaga sa kapaligiran.
Panghihikayat nito na sa pangungulila ng bawat katoliko ay sariwain ang pananampalataya na si Hesu Kristong nagbigay din ng halimbawa.
Kakaiba kung ituring ang ika-266 na Santo Papa na nagsilbing lider ng Simbahang Katolika sa loob ng 12 taon.
Samantala, nakatakdang mag-alay ng misa ang Archdiocese of Lingayen-Dagupan mamayang alas-3 ng hapon sa Metropolitan Cathedral of Saint John the Evangelist sa lungsod ng Dagupan. Kung saan hinihikayat ang publiko na makiisa sa panalangin at paggunita sa buhay at misyon ng Santo Papa na nagsilbing ilaw ng pananampalataya sa buong mundo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨