FLOAT PARADE, TAMPOK SA KARABASA FESTIVAL SA UMINGAN

Naglalakihan at makukulay na floats ang bumida sa Grand Float Parade sa 6th Karabasa Festival 2025 sa bayan ng Umingan.

Walong cluster ang nagpasiklaban ng kanilang mga sasakyang pinalamutian ng mga pangunahing produkto sa bayan ng Umingan gaya ng palay, mais, iba’t ibang prutas at gulay lalo na ang Kalabasa.

Bakas sa mga ngiti sa bawat labi ng mga partisipante sa naturang parada ang galak na muling magdiriwang ng Karabasa Festival.

Samantala, sa darating na Huwebes April 24, magaganap ang pinaka highlight ng festival: Ang 101 Ways of Cooking Karabasa kung saan ipapamalas ng mga kalahok ang kanilang galing sa pagluluto ng mga putaheng sinahugan ng Kalabasa.

Magtatapos ang 6th Karabasa Festival sa April 27 na tampok ang kanilang Sireyna Karabasa Ti Umingan pageant para sa LGBTQ community. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments