TOUR OF LUZON 2026, DADAAN SA ILOCOS REGION SA MAS PINALAWAK NA RUTA

Muling magbabalik ang Tour of Luzon 2026 na may temang “Heritage in Motion,” na maghahatid ng mas pinalawak at mas hamon na ruta mula Abril 29 hanggang Mayo 13, tampok ang 14 na yugto sa 5 rehiyon at 13 lalawigan, mula Cavite hanggang Hilagang Luzon.

Isa sa mga pinakaaabangang bahagi ng karera ay ang pagdaan sa Ilocos Region, kung saan sasabak ang mga siklista sa makasaysayang at kaakit-akit na ruta na sumasaklaw sa Pagudpud, Paoay, Laoag City, Candon City sa Ilocos Norte, Cervantes, Ilocos Sur, San Juan, Agoo sa La Union, at Daang Kalikasan sa Mangatarem, Lingayen Baywalk at Provincial Capitol sa Pangasinan.

Dadaan ang mga kalahok sa kahabaan ng mga coastal road at pangunahing lansangan ng rehiyon, kung saan makikita ang pinaghalong tanawin ng baybayin, kabundukan, at heritage towns na kilala sa mayamang kultura at kasaysayan. Inaasahan din ang masiglang suporta ng mga lokal na komunidad sa bawat bayan na madadaanan.

Inaasahang gaganapin ang grand finish o stage 14 at closing ceremony sa Baguio City.

Sa kabuuan, ang pagdaan sa Ilocos ay inaasahang magpapakita hindi lamang ng tibay at bilis ng mga siklista, kundi pati na rin ng yaman ng kulturang Pilipino na siyang pinakadiwa ng buong kompetisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments