Arjo Atayde at Maine Mendoza, napag-uusapan na ang pagpapakasal!

156

Inamin ng aktor na si Arjo Atayde na napag-uusapan na nila ng nobyang si Maine Mendoza ang pagpapakasal.

Sa vlog ng brodkaster na si Julius Babao, sinabi ni Arjo na nasa edad na siya para lumagay sa tahimik lalo pa’t hindi naman na sila bumabatang dalawa.

Diretsahang sinabi rin ni Arjo na si Maine na ang kaniyang “the one.”


Natutuwa raw siya sa pagmamahal na naibibigay ng aktres sa kaniya na bukod sa pagiging girlfriend ay naging best friend na rin niya.

Matatandaang Disyembre 2020 nang ipagdiwang ng dalawa ang kanilang second anniversary.

Facebook Comments