11 estudyante, patay matapos malunod sa Indonesia

Patay ang 11 estudyante matapos malunod sa Cileuleur river sa Indonesia.

Ayon kay Bandung search and rescue team Officer Deden Ridwansyah, naglilinis noon ng ilog ang 150 mag-aaral na nasa edad 13 hanggang 15 nang tangayin ng tubig ang 21 sa mga ito.

Aniya, ligtas na ang 10 mag-aaral na kasama sa mga nalunod habang ang dalawa ay nananatiling kritikal.


Iniimbestigahan na aniya nila ang pangyayari at inaalam na rin kung nasunod ang mga panuntunan sa nasabing aktibidad.

Nabatid na itinuloy pa rin ng mga mag-aaral ang kanilang aktibidad sa kabila ng babala ng National Disaster Mitigation Agency na ipinagbabawal ito tuwing rainy season sa Indonesia lalo na sa mga kabataan.

Facebook Comments