LeBron James, nakabalik na sa hardcourt, Clippers, agad na pinatikim ng talo

Los Angeles – Kasabay ng pagbabalik ni LeBron James sa hardcourt, ipinatikim ng Los Angeles Lakers sa Clippers ang ikalawang dikit na talo nito.

Tumabo ng 24 points, 14 rebounds at siyam na assist si LeBron para bitbitin ang Lakers sa 123-120 overtime victory.

Ito ang unang beses na nakapaglaro muli ang four-time NBA MVP, mahigit isang buwan matapos na magtamo ng groin injury.


Inalalayan siya nina Lance Stephenson na umiskor ng 20 points at Brandon Ingram na kumamada naman ng 19 points.

Nanguna naman sa bigong Clippers si Lou Williams na umiskor ng 24 points.

Sa Linggo, dadayuhin ng Lakers ang Golden State Warriors habang hahamunin ng Clippers ang Detroit Pistons.

Facebook Comments