ASEAN BASKETBALL LEAGUE | Alab Pilipinas, todo paghahanda na kontra Mono Vampire

Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng Alab Pilipnas ang magiging laban nila kontra Thailand Mono Vampire sa finals ng Asean Basketball League (ABL).

Ayon kay Alab Coach Jimmy Alapag, hindi pa rin sila papakumpiyansa kahit dalawang beses na nilang natalo sa elimination round ang Thailand.

Babantayan daw nila sa laro ang 7-foot-4 import ng Vampire na si Samuel Deguara na siyang dahilan kaya natalo nila sa semifinals ang basketball club ng China na Chong Son Kung Fu.


Sa Linggo, April 22, magsisimula ang game 1 ng best-of-five-series ng Alab Pilipinas at mono vampire na mapapanood sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.

Facebook Comments