Pagprayoridad na maitaas ang pondo para sa TUPAD, binatikos ng isang kongresista

Binatikos ni Kamanggagawa Partylist Representative Eli San Fernando ang pagprayoridad na maitaas ang pondo para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na umakyat sa ₱19.25 billion mula ₱14.25 billion na nakapaloob sa 2027 National Expenditure Program (NEP).

Hindi makatwiran para kay San Fernando na sa TUPAD na napunta ang 3/4 ng ₱26.2 billion proposed 2027 budget para sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Dismayado si San Fernando na sa dami ng responsibilidad ng DOLE sa pangangalaga sa mga manggagawa ay inuna pa ang TUPAD kung saan magagamit ang pamimigay ng ayuda para sa patronage politics.

Giit ni San Fernando, mas dapat binigyan ng konsiderasyon ng DOLE ang mga hakbang o programa na siyang makakatulong para proreksyunan ang kapakanan, kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa sa harap ng papasok na matinding Super El Niño.

Bunsod nito ay tiniyak ni San Fernando na isusulong nya na ma-realign o mailipat ang pondong inilaan sa TUPAD.

Facebook Comments