Saturday, October 24, 2026

Dagdag na pondo para sa PCO, kinatigan ng BARSc

Kinatigan ng Budget Amendments Review Subcommittee (BARSc) ang isinusulong ni Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan na madagdagan ng ₱673 million ang pondo ng Presidential Communications Office (PCO) at mga attached agencies nito sa ilalim ng 2027 national budget.

Sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program ay ₱2.482 billion lamang ang nakalaan para sa PCO.

Kapag inaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang dagdag na alokasyon para sa PCO ay tataas ang pondo nito sa ₱2.62 billion para sa susunod na taon na kumakatawan lang sa 0.03% ng kabuuang ₱7.2 trillion na panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.

Diin ni Yamsuan, mahalagang maitaas ang alokasyon para sa PCO upang mapahusay ang kapabilidad ng gobyerno sa pakikipag-ugnayan sa mamamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng tamang impormasyon habang isinusulong ang pananagutan.

Facebook Comments