
Tinawag ng Malacañang na “delusional” ang panawagan ng kampo ni Vice President Sara Duterte (VPSD) na magbitiw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang legal na batayan ang panawagang patalsikin o pagbitiwin ang pangulo.
Iginiit ni Castro na ang pahayag ni Marcos na “you cannot force anyone to love you” ay tungkol sa personal na galit ng bise presidente sa pangulo, at hindi sa mga problema ng bansa.
Dagdag pa ni Castro, kailangan din ang kakayahan, kaalaman at kahandaan sa mahahalagang usapin gaya ng West Philippine Sea (WPS) at Pax Silica sa pamumuno ng bansa.
Madali aniyang sabihing walang ginagawa ang pangulo kung hindi nakikita ang bigat ng kanyang mga responsibilidad at trabaho sa gobyerno.
Facebook Comments










