
Nadala na sa Pilipinas ang ika-apat na 8-car Electric Multiple Unit trainset para sa North-South Commuter Railway (NSCR) Malolos-Tutuban segment.
Binili ang bagong trainset mula Japan at inaasahan na magdurugtong ang 147 kilometers NSCR system sa 35 stations ng Central Luzon, Metro Manila at CALABARZON.
Target ng Department of Transportation (DOTr) na matapos sa December 2027 ang N1 o Valenzuela-Malolos, Bulacan phase ng NSCR habang inaasahang magsisimula ang full operations nito sa ika-apat na quarter ng 2028.
Tinatayang nasa 800,000 commuters kada araw ang makikinabang sa naturang rail line kapag naging full operational na ito.
Facebook Comments










