12 OFW na nasunugan sa Cayman Island, natunton na ng Migrant Workers Office sa Washington, D.C.

Nahatiran na ng tulong ng Migrant Workers Office sa Washington, DC, USA ang 12 Overseas Filipino Workers (OFW) na nasunugan ng tirahan sa Cayman Islands.

Ang naturang OFWs ay magkakasama sa kanilang inuupahang bahay sa Cayman Islands kung saan nasunog ito nitong Enero.

Ang bawat OFW ay nakatanggap ng $856.06 o P50,000 mula sa DMW AKSYON Fund.

Ayon sa DMW, ang naturang tulong-pinansyal ay magagamit ng Pinoy workers sa kanilang mga pangangailangan at sa paghahanap ng bagong matitirahan.

Ang financial assistance mula sa DMW ay inihatid sa OFWs ng Philippine Honorary Consul sa Cayman Islands.

Facebook Comments