AWAY SA GF, NAKIKITANG MOTIBO SA PAGPAPATIWAKAL NG ISANG ESTUDYANTE

39
Cauayan City, Isabela-Hindi pa rin matanggap ng pamilya ang ginawang pagpapatiwakal ng kanilang mahal sa buhay na kinilalang si Bhendrinn Jan Pascual ng matagpuan itong wala nang buhay sa loob ng kanyang kwarto sa Brgy. Santa Filomena, San Mariano, Isabela nitong miyerkules, March 30,2022.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMSgt. Jhonimar Baingan, imbestigador ng PNP San Mariano, lumalabas sa imbestigasyon na pagpapatiwakal ang nangyari sa biktima at walang nakikitang foul play sa insidente.

Aniya, batay umano sa salaysay ng padre de pamilya, nagtatalo umano ang biktima at kanyang kasintahan bago ang nangyaring pagpapakamatay nito.

Kasalukuyan namang 3rd year College student ang biktima sa isang pribadong paaralan sa Alicia, Isabela.

Facebook Comments