Pinalalawak ng Dagupan City ang reading intervention program nito sa pamamagitan ng panukalang pagtatatag ng Barangay Reading Centers (BRCs) sa lahat ng barangay.
Ito ay matapos talakayin sa committee hearing noong Agosto 24 ang Draft Ordinance No. O-052-2026, na naglalayong gawing bahagi ng community-based reading infrastructure ng ABKD Nakakabasa Program sa ilalim ng HAMON 80 framework ang mga BRC.
Ayon sa City Library Office, nagsimula ang reading intervention noong nakaraang taon at nakapagserbisyo na sa humigit-kumulang 300 pupils.
May mga batang sumailalim sa assessment na nakakabasa na umano ngayon matapos ang intervention. Ngunit, isa sa mga hamon ang kakulangan ng oras ng ilang magulang upang maihatid ang kanilang mga anak sa library.
Dahil dito, layunin ng BRCs na gawing mas accessible ang reading services sa mismong barangay, kabilang ang posibilidad na magkaroon ng access sa weekends.
Sinabi ng City Library Office na hindi lahat ng barangay ay may sapat na espasyo para sa reading center. Sa ilalim ng draft ordinance, kailangan ng dedicated space na hindi bababa sa 20 square meters.
Nasa proseso pa ng deliberasyon ang naturang draft ordinance at hindi pa final ang mga probisyon nito, kabilang ang budget, physical requirements, at pagpili ng barangay librarians. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments