AWAY NG MAGKAKAMAG ANAK SA BAYAMBANG NAUWI SA PANANAGA

27

BAYAMBANG, PANGASINAN – Nakalabas na sa pagamutan ang isang bente anyos na dalaga matapos itong tagain ng kanyang tiyuhin sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Venus Gonzales habang ang suspek naman ay nakilalang si Marlon Castillo Ramos 37, parehong residente ng Brgy. Cadre Site sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na bago ang pananaga ay nagkaroon na ng away ang mga kaanak ng suspek at ang biktima sa labas ng kanilang bahay dito na lumabas ang suspek na may dala dalang palakol at agad na tinaga ang biktima sa likod siya ang naabutan ng suspek.


Itinakbo ito sa pinakamalapit na pagamutan habang nahuli naman ng mga pulis ang suspek matapos ang insidente.

Ayon sa Bayambang PS, desidido na ring sampahan ng kaso ng mga kaanak ng biktima ang suspek dahil sa tuwing lango daw ito sa alak ay nanggugulo ito sa kanilang lugar.

Kasong frustrated homicide naman ang kakaharapin ng suspek. | ifmnews



Facebook Comments