Saturday, September 12, 2026

BJMP, hinihintay na ang susunod na utos ng korte kung kailan ililipat sa kanilang pasilidad si ex-Speaker Romualdez matapos maihatid sa PGH

Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na naihatid si Representative Martin Romualdez sa Philippine General Hospital (PGH).

Dakong alas-8:35 ng umaga nang makapasok ang convoy ni Romualdez sa PGH at bandang alas-8:45 nang mailipat ito sa pasilidad ng ospital.

Ayon sa BJMP, isinagawa ang paglipat alinsunod sa kautusan ng Sandiganbayan Third Division upang sumailalim ang kongresista sa medical assessment.

Inatasan din ang PGH na isumite sa Sandiganbayan ang resulta ng pagsusuri at ang kanilang mga rekomendasyon.

Samantala, sinabi ng BJMP na hihintayin nito ang susunod na utos ng hukuman bago ilipat si Romualdez sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas, Quezon City.

Facebook Comments