
Not guilty ang plea ni Marikina City First District Representative Marcelino “Marcy” Teodoro sa apat na bilang ng kasong rape na kinakaharap nito.
Isinagawa ngayong araw sa Marikina City Regional Trial Court (RTC) Branch 272 ang arraignment at pre-trial proceedings ni Teodoro.
Nag-ugat ang mga kaso sa magkahiwalay na reklamo ng dalawang babaeng pulis na nagsilbing security aides ni Teodoro.
Batay sa kanilang mga sinumpaang salaysay na unang naiulat noong 2025, inakusahan ng dalawang complainant si Teodoro ng magkakahiwalay na insidente ng umano’y sexual assault at iba pang hindi kanais-nais na sexual advances habang sila ay naka-duty bilang security aides.
Facebook Comments










