TOPNOTCHER SA LICENSURE EXAMINATION FOR TEACHERS MULA SA BAYAN NG MAPANDAN, BINIGYANG PAGKILALA

Pasado na, topnotcher pa! ‘Yan ang pride ng bayan ng Mapandan na si Jaslynn T. Garcia.

Ang makapasa sa Licensure Examination for Teachers ay ang unang hakbang sa pagkamit ng pangarap ng mga susunod na tagapagsulong ng edukasyon.

Ngunit ang mapabilang sa Top 10 examinees ay maituturing na isang malaking tagumpay para sa mga bagong guro, kagaya na lamang ni Jaslynn T. Garcia mula sa Barangay Primicias, Mapandan, Pangasinan.

Nakakuha ng 93% passing rate si Garcia, dahilan upang siya ay mapabilang sa Top 8 ng katatapos lamang na Licensure Examination for Teachers noong nakaraang Marso (2026).

Ang kaniyang galing at dedikasyon ay binigyang-pagkilala ng Lokal na Pamahalaan ng Mapandan.

Ayon sa tanggapan ng alkalde, nagsisilbing inspirasyon si Jaslynn Garcia sa mga kabataan na nangangarap ring maging isang guro.

Tunay ngang kapag sinamahan ng sipag at tiyaga, maaabot ang inyong mga pangarap. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments