PAGBUBUKAS NG KLASE SA ILOCOS REGION, INIULAT NA GENERALLY PEACEFUL; MAHIGIT 5,000POLICE PERSONNEL, IDINEPLOY

Iniulat ng Police Regional Office 1 (PRO 1) na naging generally peaceful ang pagbubukas ng klase sa buong Ilocos Region noong Hunyo 8, 2026.

Ito ay matapos ang malawakang pagpapatupad ng OPLAN Balik-Eskwela 2026-2027 kung saan kabuuang 5,036 na tauhan ang idineploy sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Kabilang dito ang mga pulis, personnel mula sa mga katuwang na ahensya, at force multipliers.

Ayon sa PRO 1, 3,234 pampubliko at pribadong paaralan ang binantayan kasabay ng paglatag ng 1,524 Police Assistance Desks (PADs).

Bukod dito, 608 mobile patrol units at 745 foot patrol teams din ang ipinuwesto sa paligid ng mga paaralan, pangunahing lansangan, transport terminals, at iba pang matataong lugar.

Wala umanong naitalang malalaking insidente na nakaaapekto sa pagbubukas ng klase sa rehiyon. Dahil dito, inihayag ng pulisya na generally peaceful at naging maayos ang unang araw ng pasukan.

Patuloy namang nakaalerto ang mga awtoridad para sa seguridad ng mga paaralan at mga mag-aaral sa mga susunod na araw ng klase. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments