Nasawi ang isang babae matapos pagbabarilin sa harapan ng LRA Building sa Zone 5, Quirino Boulevard, Bantay, Ilocos Sur nitong umaga, Setyembre 28.
Batay sa mga nakuhang basyo ng bala sa lugar, pinaniniwalaang kalibre .45 ang ginamit sa pamamaril.
Ayon sa paunang impormasyon, isinugod din sa ospital ang kaniyang partner matapos masugatan sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang salarin, motibo, at iba pang detalye ng insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










