Kinilala ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang husay sa classical ballet ng 11-anyos na si Juria Angelica M. Surio matapos nitong irepresenta hindi lamang ang kaniyang paaralan kung hindi pati buong Pangasinan at makamit ang Bronze Award sa MNL Dance Prix 2026.
Sa ginanap na Sangguniang Panlalawigan session kahapon, September 28, kinilala ang naging matagumpay na pagsali ng bata sa nasabing kompetisyon kung saan nagpaabot ng suporta at pagbati si Vice Governor Mark Lambino at mga Pangasinan Board Members.
Nakuha ni Surio ang parangal sa Classical Ballet – Solo/Duo/Trio category para sa Junior B age group, o mga mananayaw na 11 taong gulang.
Aniya, labis ang kanyang kasiyahan sa naging resulta ng kompetisyon, lalo na’t pagkakataon ito upang maipakita ang kanyang talento at pagsisikap sa ballet.
Nagpasalamat din si Surio sa kanyang pamilya, mga guro at iba pang taong patuloy na nagbibigay ng suporta sa kanyang paglalakbay bilang batang mananayaw.
Patuloy naman niyang paghuhusayin ang kanyang kakayahan sa classical ballet at hangad na makilahok pa sa mga susunod na kompetisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









