NMIS, NAGPAALALA SA MGA MAMIMILI NA MAGING MAPANURI SA PAGBILI NG KARNE

Bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagkain at pagluluto ng iba’t ibang uri ng karne—manok, baboy, baka at iba pa—na ginagawang sangkap sa sari-saring paboritong putahe.
‎

‎Ngunit kasabay ng patuloy na pagkonsumo ng karne, pinaalalahanan ng National Meat Inspection Service o NMIS ang publiko na maging mapanuri sa mga produktong binibili upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang pagkain.
‎

‎Ayon kay Dr. Cherrie Ann Javier, Officer-in-Charge at Regional Technical Director ng NMIS-RTOC 1, mahalagang tiyaking dumaan sa tamang proseso at may kumpletong dokumento ang mga produktong karne bago ito makarating sa mga mamimili.
‎
‎
‎Kasabay nito, hinikayat din ng NMIS ang mga negosyante na mahigpit na sumunod sa mga umiiral na alituntunin at tiyaking kumpleto ang mga kinakailangang dokumento sa pagbibiyahe at pagbebenta ng mga produktong karne.
‎
‎
‎Samantala, nagpapatuloy ang isinasagawang inspeksyon ng NMIS upang matiyak na hindi makararating sa merkado ang mga expired, ilegal, o smuggled na produktong karne.
‎
‎Lalo pang pinaigting ang pagbabantay ngayong papalapit ang mga pagdiriwang at inaasahang tataas ang demand sa mga produktong karne. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments