MANGGAGAWA SA REGION 1, UMAASA SA PANIBAGONG DAGDAG-SAHOD SA GITNA NG MATAAS NA PRESYO NG BILIHIN

Muling nabuksan ang usapin sa posibleng dagdag-sahod sa Rehiyon Uno kasunod ng pagpapatupad ng ₱60 wage increase para sa mga manggagawa sa National Capital Region o NCR.

Epektibo noong Setyembre 26 ang naturang dagdag-sahod, ayon sa National Wages and Productivity Commission o NWPC.

Sa Rehiyon Uno, nananatili sa ₱505 ang minimum wage para sa mga non-agriculture establishments na may 10 o higit pang empleyado, habang ₱480 naman para sa agriculture at non-agriculture establishments na may mas mababa sa 10 empleyado.

Ipinatutupad ang mga naturang wage rate mula Nobyembre 19, 2025, sa ilalim ng Wage Order No. RB 1-24.

Ayon sa manggagawang si Marilou Tiozin, nahihirapan silang pagkasyahin ang kanilang kita dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at pamasahe.

Dagdag ni Tiozin, hindi na umano sumasabay ang kaniyang sahod sa patuloy na pagtaas ng gastusin.

Umaasa siya na mabibigyan din ng panibagong wage adjustment ang mga manggagawa sa Rehiyon Uno upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Samantala, nagpapatuloy ang pagsusuri at konsultasyon ng mga Regional Tripartite Wages and Productivity Board kaugnay ng minimum wage sa kani-kanilang mga rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments