Isang 58-anyos na teller mula Urdaneta City ang inaresto ng mga awtoridad sa Villasis nitong Miyerkules, Agosto 12, kaugnay ng siyam na kaso ng Qualified Theft.
Naaresto ang akusado sa operasyon ng mga tauhan ng Urdaneta City Police Station (CPS).
Ayon sa police report, ang warrant ay may kaugnayan sa mga kasong isinampa sa ilalim ng Article 310, in relation to Article 308 ng Revised Penal Code, o Qualified Theft.
Sakop ng warrant ang siyam na criminal case na may ₱450,000 na inirekomendang piyansa para sa mga naturang kaso.
Kinilala ang akusado na isang 58-anyos na single at nagtatrabaho bilang teller, ayon sa ulat ng pulisya, at residente ito ng Urdaneta City, Pangasinan.
Matapos ang pag-aresto, dinala siya sa Urdaneta CPS kung saan siya nananatili sa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










