
Umalma ang House Prosecution Panel sa pahayag ni Vice President Sara Duterte (VPSD) na ang totoong drama ay ang paghahain ng impeachment laban sa kanya nang walang ebidensya.
Giit ni House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, si VPSD mismo ang gumawa ng mga ebidensya laban sa kanya.
Diin ni Ridon, hindi simpleng pamumulitika ang mga kaso laban sa bise-presidente lalo’t sa kanya rin nanggaling ang statements, utos sa paggastos ng confidential funds, at mga dokumentong naglalaman ng yaman ng kanilang pamilya.
Bunsod nito ay hinamon ni Ridon si VPSD na humarap sa Impeachment Trial para makita nya mismo ang mga ebidensyang ipinipresenta ng prosecution na magpapatunay sa mga kinakaharap nyang alegasyon at mga paglabag nya sa Konstitusyon.










