TATLONG SUSPEK SA PAGNANAKAW MULA MAYNILA, NAARESTO SA LA UNION

Arestado ang tatlong hinihinalang miyembro ng isang robbery syndicate mula Metro Manila matapos mahuli sa aktong pagnanakaw sa loob ng isang bar sa bayan ng San Juan, La Union.

‎Kinilala ang mga suspek na isang 24 anyos na lalaki mula Parañaque City at dalawang babae na may edad 31 at 36, kapwa residente ng Metro Manila.

Napag-alaman na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad ang grupo na umano’y sangkot sa serye ng pagnanakaw sa Metro Manila at karatig na mga lugar.

‎Batay sa imbestigasyon, gumagamit ang grupo ng tinatawag na “snatch-and-pass” modus kung saan palihim na kinukuha ng lalaking suspek ang cellphone ng biktima at agad itong ipinapasa sa kasabwat na babae na siyang nagtatago nito sa kanyang bag.

‎Nasaksihan ng kasama ng biktima ang insidente at kaagad na humingi ng tulong sa mga pulis na nagpa-patrol sa lugar.

Dahil dito, mabilis na naaresto ang mga suspek at nabawi ang ninakaw na cellphone na kinilala mismo ng biktima.

‎Dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments