Sunday, July 26, 2026

Bagong barko ng Philippine Navy, pinasinayaan ni PBBM sa ika-128 anibersaryo nito

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-128 anibersaryo ng Philippine Navy kasabay ng panawagan na higit pang palakasin at gawing moderno ang kakayahan ng hukbong pandagat sa gitna ng mga hamon sa seguridad ng bansa.

Sa okasyon, pinasinayaan ng Pangulo ang BRP Rajah Lakandula, isang bagong asset ng Philippine Navy na magpapalakas sa kakayahan nitong bantayan ang karagatang sakop ng Pilipinas at protektahan ang soberanya ng bansa.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng Navy sa pagpapanatili ng seguridad sa karagatan at pagtatanggol sa pambansang interes.

Kinilala rin ng Pangulo ang agarang pagtugon ng Naval Forces Eastern Mindanao sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.

Mabilis aniya nilang in-activate ang kanilang disaster response mechanisms at inilagay sa heightened alert ang mga rescue team upang makatulong sa mga apektadong komunidad.

Facebook Comments