BAGONG HEPE NG DAGUPAN CITY PNP, NANUMPA NA

32

Nanumpa na bilang bagong hepe ng Dagupan PNP si PLtCol. Vicente P. Castor Jr. kahapon, ika-16 ng Agosto.

Pinalitan nito si PLtCol. Romil Avenido. Bago manungkulan bilang Dagupan City Police Chief Si lt. Col. Castor, siya ay nagsilbi muna bilang hepe ng Mangaldan Police Station at Urdaneta City Police  bago ito ma-assign sa Dagupan City.

Dati rin itong Deputy ng Regional Plans and Strategy Management Division at kinilala bilang Regional Awardee for Best Police Commissioned Officer for Administration ngayong taon.

Pinangunahan ni PCol. Richmond Tadina, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, ang change of command sa Dagupan PNP.

Umaasa ang lokal na pamahalaan na mapapanatili ang maayos, mapayapa at progresibong siyudad sa bagong liderato ni Lt.Col. Castor. | ifmnews

Facebook Comments