Piloto patay sa test flight sa Pampanga

188

Patay ang piloto ng isang helicopter matapos itong bumagsak sa Clarkfield, Pampanga kahapon.

Sa inisyal na impormasyon, nakakuha pa ng test flight bandang alas-10:30 ng umaga kahapon mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang helicopter na minamaneho ni Pilot Diosdado Lumandan, 60 na taong gulang nang magkaroon ito ng technical problem dahilan para ito bumagsak.

Base pa sa impormasyon, sumailalim pa sa technical repair ang helicopter bago ito paliparin ni Lumandan.


Samantala, sugatan naman ang dalawa nitong pasahero na kinilalang sina Ivan Barcelona Abiong at Rodly Jasper Esogon na kapwa aircraft mechanic.

Facebook Comments