Wednesday, June 3, 2026

ICT INNOVATIONS NG 3 PAMPUBLIKONG PAARALAN, ITINAMPOK SA ICT MONTH EXHIBIT SA SAN CARLOS CITY

Ibinida ng tatlong pampublikong paaralan sa San Carlos City ang kanilang mga makabagong teknolohiya at digital learning initiatives sa isinagawang ICT Month Celebration ng lokal na pamahalaan ngayong Hunyo.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagtayo ng exhibit ang School of the Future, Julio Ledesma National High School, at Don Carlos Ledesma National High School upang ipakita ang kanilang mga proyekto at inobasyon sa larangan ng information and communications technology (ICT).

Tampok sa eksibisyon ang iba’t ibang teknolohiyang ginagamit ng mga paaralan upang mapaunlad ang digital literacy, pagkamalikhain, at kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng makabagong teknolohiya.

Ang aktibidad ay bahagi ng pakikilahok ng Schools Division Office ng San Carlos City sa ICT Month Celebration na nakatuon sa pagsusulong ng digital transformation, innovation, at technology-driven education.

Sa pamamagitan ng exhibit, naipakita ng mga paaralan kung paano nila ginagamit ang teknolohiya upang mapahusay ang karanasan sa pagkatuto at maihanda ang mga estudyante sa mas mabilis na umuunlad na digital na mundo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments