Thursday, October 22, 2026

PCG Spokesperson Tarriela, sinagot si dating National Security Adviser Clarita Carlos matapos sabihan na tumahimik na lamang

Sinagot ni Rear Admiral Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea ang mga banat sa kaniya ni dating National Security Adviser Clarita Carlos.

Ito ay matapos sabihan ni Carlos si Tarriela na tumahimik na lamang at takpan ng duct tape ang bibig kasabay ng pagtatanggol sa naunang pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan tungkol sa lakas ng kanilang militar.

Ayon kay Tarriela, tinuruan siya ng kaniyang magulang na huwag magsalita ng masama laban sa matatanda pero tutugon na siya dahil umabot na sa puntong nagmura si Carlos.

Sinabi pa ni Tarriela na pinatunayan lamang ni Carlos sa mga naging pahayag kung bakit hindi ito nagtagal bilang National Security Adviser lalo’t mas galit pa umano ito sa kaniya kaysa sa China.

Wala rin umanong ginawa ang UP professor nang nagsisilbi itong NSA maging ang ipaglavan ang ating karapatan sa West Philippine Sea.

Facebook Comments