Saturday, September 5, 2026

TAMANG PAG-INOM NG DOXYCYCLINE, BINIGYANG DIIN

Binigyan diin ng awtoridad ang tamang pag-inom dapat ng doxycycline para sa mga residenteng napamahagian nito bilang panangga sa sakit na maaaring makuha sa paglusong sa tubig baha tulad ng leptospirosis.

Sa Dagupan City, patuloy ang paglilibot at pagbabahay-bahay ng mga barangay Health Workers lalo na sa mga resindential areas na naapektuhan ng habagat at nagkaroon ng pagbaha.

Ayon sa paalala ni Mayor Belen Fernandez sa Bantay Dagupan segment ng kaniyang FB page, dapat na maging tuloy tuloy ang pagtutok at pamamahagi ng doxycycline sa mga barangay sa lungsod upang maprotektahan ang mga residente sa mga sakit na pwedeng makuha sa paglusong sa baha.

Sa pag-inom ng doxycycline, dapat may laman ang tyan. Hindi ito pwede para sa mga may sakit sa puso at sa mga buntis.

Walang humpay naman ang paalala ng Department of Health (DOH) sa pag-iwas na lumusong sa tubig baha at agad na pumunta ng ospital kung makaramdam ng sintomas ng leptospirosis. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments