BAGONG MINI-GYMNASIUM SA FNCIS SA DAGUPAN CITY, SINIMULAN NANG ITAYO

Pormal nang sinimulan ang pagtatayo ng bagong mini-gymnasium sa Federico N. Ceralde Integrated School o FNCIS sa Barangay Bonuan Binloc, Dagupan City, sa pamamagitan ng isinagawang groundbreaking ceremony.

Bahagi ang proyektong ito ng patuloy na pagsusulong ng mga programa para sa edukasyon sa ilalim ng “Unaen So Edukasyon” ng lokal na pamahalaan ng Dagupan.

Layunin ng pagtatayo ng mini-gymnasium na magkaroon ang mga mag-aaral ng mas angkop na pasilidad para sa kanilang pagkatuto, mga aktibidad sa palakasan, at iba pang gawaing pampaaralan.

Inaasahan ding magiging lugar ito para sa pagpapaunlad ng mga talento at kakayahan ng mga mag-aaral, gayundin sa pagdaraos ng mga gawaing pangkomunidad.

Binigyang-diin sa okasyon ang kahalagahan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, pamunuan ng paaralan, mga magulang, at komunidad upang higit na maisulong ang kapakanan ng mga mag-aaral at mapabuti ang sektor ng edukasyon.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahang magkakaroon ang FNCIS ng karagdagang pasilidad na makatutulong sa paglikha ng mas maayos na kapaligiran para sa pag-aaral at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga kabataan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments